top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P10-P50, ibinibenta… Lipstick na may toxic materials, kalat na – EcoWaste Coalition

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 28, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | July 28, 2022




Nagbabala ang isang environmental group sa publiko hinggil sa mga ibinibentang lipstick na naglalaman ng toxic materials na nabibili sa murang halaga.


Ayon sa grupong EcoWaste Coalition, kumuha sila ng sample at sinuri nila ang 296 lipstick na ibinebenta sa merkado na nabibili lamang sa halagang P10 hanggang P50, at lumabas na 95 sa mga ito ay nagtataglay ng 42.6% na may lamang lead, habang 25% naman ang nakitaang may arsenic at cadmium.


"Nakakabahala ang napakataas ng lead o tingga, ginagamit ‘yan sa batteries," pahayag ni Dr. Geminn Louis Apostol, lead environmental health specialist ng Ateneo School of Medicine and Public Health.


Paliwanag ni Apostol, kapag naipon ito sa katawan ay posibleng magdulot ito ng chronic lead poisoning, kung saan maaaring makaranas ng pananakit ng tiyan.


Aniya pa, maaari ring magdulot ang lead ng problema sa dugo at pamamaga ng utak.


Napag-alaman din ng grupo na ang iba sa mga naturang produkto ay ibinibenta online.


Nanawagan naman si Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition sa Bureau of Customs (BOC) na mas higpitan pa nila ang customs control para hindi makapasok sa bansa ang mga nakalalasong cosmetic products.


Pinayuhan din ni Lucero ang publiko na beripikahin muna at tiyakin kung may certification at approval mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang anumang produkto bago nila ito bilhin.


“Basahin mabuti ang impormasyon sa mga etiketa... Bawasan ang madalas na paggamit ng lipstick para maiwasan [ang] direct exposure,” giit ni Lucero.


Hindi naman binanggit ng grupo kung anong brand o pangalan ng mga naturang lipstick.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page