top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

P10-K na ayuda sa mahihirap, nakatengga pa rin sa kamay ng mga kongresista

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 11, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 11, 2021



Itinetengga pa rin ng Kamara ng mga Representante ang panukalang P10, 000 ayuda para sa mga nagdarahop.


Ito ay personal na ayuda para sa mga esensiyal na pangangailangan ng ordinaryong pamilya!


◘◘◘


Nakakarindi kasi ang trauma sa mga nakatatanggap ng disconnection notice mula sa distributor ng tubig at elektrisidad.


Makatutulong ito upang maibsan ang stress at kahihiyan ng mga nagdarahop partikular ang mga pobreng estudyante!


◘◘◘


Mahalagang matalakay ng Kamara ang Bangon Pamilyang Pilipino Assistance Program o P10-K ayuda bill.


Naiinip pa ng mga may akda ng naturang panukala kaya’t minabuti ng mga kongresistang ito na magpaluwal at gamitin ang personal nilang pondo para masaklolohan ang mga nagdarahop!


◘◘◘


Wala pa rin kasing hearing na itinakda kaugnay ng panukala ng magkaloob ng tig-P10-K sa bawat pamilya para kanilang emergency na pangangailangan sa panahon ng pandemic.


Ang panukala ay isinusulong nina dating Speaker Alan Peter Cayetano, Raneo Abu, LRay Villafuerte, Jonathan Sy-Alvarado, Lani Cayetano, Danilo Fernandez at Mike Defensor!


◘◘◘


Magmumula sana ang pondo mula sa unutilized funds ng Bayanihan 2 at 2021 National Budget.


Pinangatawanan na ng grupo ni Cayetano ang pamumudmod ng tig-P10-K sa 30 pamilya sa Quezon City at tig-10 pamilya pa mula sa Imus at Kawit sa Cavite!


◘◘◘


Sa pagpasok ng Marso, naging grabe ang sitwasyon ng ekonomiya.


Nagsarado ang maliliit na negosyo kasama na ang mga karinderya, parlor at sari-sari store dahil sa matinding pagdarahop!


◘◘◘


May ilang nagtangka na muling magbukas ng negosyo pero kakarampot ang suki at kustomer kaya’t isinarado muli dahil sa disconnection notices ng mga distributor ng tubig at elektrisidad.


Wala pang solusyon na nakikita ang ordinaryong mamamayan!


◘◘◘


Kapag ibinalik ang matinding lockdown, suicidal mode na ang taumbayan at hindi na kayang saklolohan sila ng pamahalaan.


Dasal na lang ang kanilang inaasahan upang manatiling humihinga at umaasam sa “wala”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page