P1-M, premyo ng magkakampeon sa South Finals ng VisMin Cup
ni Gerard Arce - @Sports | August 12, 2021

Mabibiyayaan ng P1-M ang pinakamahusay na koponang mananaig sa kauna-unahang Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Southern Championship sa pagitan ng KCS Computer Specialist Mandaue City na kinatawan ng Visayas at undefeated na Jumbo Plastic Basilan Peace Riders mula sa Mindanao sa Pagadian City Gymnasium, Zamboanga del Sur.
Ito ang tumataginting na papremyong naghihintay sa magtatagumpay sa best-of-five Southern Finals na sinimulan ang bakbakan nitong Miyerkules ng gabi, habang ang hindi naman papalaring maging kauna-unahang kampeon ay makatatanggap ng P500,000 bilang runner-up incentive,” pahayag ni Bounty Agro Ventures Inc President Ronald Mascariñas. “Personally, I have been waiting for this game as the league has brought out the best in the Visayas and Mindanao regions,” dagdag ni Mascariñas, na tubong Butuan City at nakapagtapos ng Agriculture degree sa University of Los Banos, Laguna at Master’s degree ng Management sa Asian Institute of Management.
Isang malaking pagkakataon naman ang makakamit na papremyo ng mga magsasalpukan sa first professional basketball league sa katimugan upang magbigay pa ng motibasyon sa parehong manlalaro ng bawat koponan.
“We are happy with this partnership with Chooks-to-Go since they have supported our vision of promoting talents in the Visayas and Mindanao regions. The additional prize money will truly inspire both Basilan and KCS to do their best and put on a show,” wika ni Chief Operations Officer Rocky Chan.
Nauna ng nakatanggap ng papremyong nagkakahalaga ng P500,000 ang KCS Mandaue at Basilan Peace Riders sa pagkakapanalo ng Visayas at Mindanao division, habang ang mga runner-up opponents nilang MJAS Zenith-Talisay City Aquastars at Petra Cement-Roxas Vanguards at nag-uwi ng tig-P100,000.





Comments