P1-M premyo nakataya sa URCC Amateurs MMA Fight
- BULGAR

- Jun 9, 2024
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | June 9, 2024

Panibagong bakbakan na naman ang inaasahang sasagupa para sa mga Filipino at foreign fighters sa paglulunsad ng panibagong handog ng Universal Reality Combat Challenge (URCC) na Prodigy Progression Series bilang panibagong uri ng bakbakan para sa amateur mixed martial artists na magiging bantayan ng pagkuha ng mga panibagong tuklas na fighters at pagbibigay oportunidad sa mga nagbabalik sa naturang pampalakasan na planong maghandog ng aabot sa P1-M na papremyo.
Pormal ng iniharap at ipinakilala ang serye ng MMA na mapapanood ng harapan sa Dynasty Fight Club sa Paranaque City, gayundin ang pagpapalabas ng live sa IWantTFC app na katatampukan ng ilang bilang ng mga Filipino at foreign fighters sa apat na weight categories mula sa pagpapakilala ni URCC Founder at President Alvin Aguilar.
Bukas ang programa sa lahat ng uri ng combat sports mula sa MMA, boxing, kickboxing, Sambo, Judo, Wrestling at grappling upang maipamalas ang husay sa bakbakan sa loob ng octagon ring at maging daan tungo sa inaasam na pag-angat sa MMA scene. “We’re looking to discover the next champions in MMA, the next professional fighters to represent the country in different martial arts. That is our goal to find the next superstar from all over the country and bring out their best and soon be part of the MMA superstar in the World,” pahayag ni Aguilar sa Dynasty Fight Club.
Puntirya ni Aguilar na biyayaan ang kampeon sa isa sa apat na dibisyon ng P500,000, habang ang finalist ay P300,000 at ang 3rd ay P200,000 para sa flyweight, bantamweight, featherweight, at lightweight categories. “We're going to make sure that we will be giving the highest payday ever in Philippine MMA history for all the winners,” saad ni Aguilar patungkol sa pag-aagawang P1-M.





Comments