top of page

P1 M daw per night… KELVIN, PUMIYOK SA BLIND ITEM NA NAKA-BONDING NI SAM SMITH NG 2 NIGHTS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | November 30, 2023





Tahasan namang idinenay ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda ang mga assumption ng mga netizens sa kumalat na 'blind item' ni Direk Darryl Yap.


Sinabi kasi ng kontrobersiyal na direktor na meron umanong male singer na naka-bonding ng isang foreign singer na dumayo sa bansa kamakailan.


Sa loob umano ng two nights ay nakasama ito ng foreign singer at diumano, one million peso a night ang rate ni Pinoy singer.


Pinangalanan ng netizen si Sam Smith bilang "openly gay" singer na dumayo sa bansa recently.


Pero dahil sa mga clues ni Direk Darryl sa identity nu'ng local singer, ang mga asyumera sa socmed ay pinangalanan si Kelvin Miranda.


Hindi rin namin na-gets, Mareng Janiz, ang B.I. pero 'yun na nga, idinenay ito ni Kelvin at sinabing "Sana 'wag po muna tayo mag-assume ng mga bagay-bagay lalo na hindi naman totoo, lalo na kung hearsays."


'Yun lang!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page