P1.70 dagdag-presyo sa gasoline... P9 rollback sa diesel, P12 kerosene
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | May 10, 2026

Photo: File
May aasahan umanong rollback sa presyo ng diesel at kerosene sa Martes.
Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, P9 kada litro ang posibleng bawas-presyo sa diesel habang P12 naman sa kerosene.
Gayunman, panibagong dagdag-presyo naman ang aasahan sa gasolina na aabot sa P1.60 hanggang P1.70 per liter.
Sinabi ni Director Rino Abad na kung masusundan pa ang rollback sa mga susunod na linggo ay posibleng bumalik ang dating presyuhan ng diesel bago sumiklab ang giyera ng Iran, Israel at Amerika.





Comments