top of page
Search
  • BULGAR

P1.482 B halaga ng shabu, nakumpiska; 1 patay, 4 Chinese arestado

ni Lolet Abania | August 2, 2021



Umabot sa kabuuang P1.482 bilyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa tatlong magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City, Valenzuela City, at Balagtas, Bulacan nitong Linggo.


Sa isang statement ngayong Lunes, ayon sa Philippine National Police (PNP), isang suspek ang namatay, habang apat na Chinese ang naaresto sa isinagawang anti-drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).


Sa Quezon City, isang buy-bust operation ang ikinasa sa Magsaysay St., Bgy. San Bartolome sa Novaliches, kung saan 127 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P863.6 milyon ang nakumpiska ng mga pulis.


Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Willie Lu Tan o Chen Bien, Anton Wong o Wang Zhong Chun, at Wang Min. Sa Valenzuela City, nasamsam ng mga awtoridad ang humigit-kumulang sa 16 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P108.8 milyon sa isang operasyon sa harapan ng isang sangay ng China Bank Savings sa kahabaan ng General Luis St., sa Paso de Blas. Inaresto ang suspek na si Joseph Dy.


Sa Balagtas, Bulacan, kinilala ng PNP ang namatay na suspek na si Wu Zishen matapos ang naganap na shootout sa naganap na operasyon sa Barangay Santol. Narekober mula sa suspek ang tinatayang 75 kilograms ng shabu na P510 milyon ang halaga at isang Colt .45 pistol.


Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, patuloy ang kanilang isasagawang operasyon habang nangangalap ng intelligence report upang mahuli ang mga lider ng drug syndicates at madakip ang iba pang salarin.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page