P1.40 dagdag-presyo sa diesel, P1 gasoline, P.80 kerosene
- BULGAR

- Sep 6
- 1 min read
by Info @News | September 6, 2025

File Photo
Panibagong pasanin ang naghihintay sa mga motorista sa susunod na linggo dahil sa nakambang pagtaas na naman ng presyo ng produktong petrolyo, ang ikaapat na linggo ng taas-presyo ng gasolina at ikatlong sunud- sunod na linggo para sa krudo at kerosene.
Batay sa ginawang pagtaya ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, ang taas-presyo ay ang sumusunod:
Gasoline: humigit kumulang piso na taas presyo kada litro;
Diesel: humigit kumulang P1.40 per liter; at
Kerosene: humigit kumulang P0.80 per liter
Ang pagtaya ay ibinase ng DOE-OIMB sa resulta ng international fuel trading sa nakalipas na apat na araw.
Kabilang sa mga dahilan ng pagtaas sa presyo ng langis ay ang pagtaas ng isang dolyar matapos magpatupad ng sanction ang US sa taripa ng langis ng Iran; at ang pagtigil ng export ng Saudi Aramco at SOMO ng Iraq sa refinery ng India dahil sa EU sanctions.
Kasama rin sa nakaapekto sa price hike ang lumalakas na airstrikes ng Russia sa Ukraine.
Inaasahang mag-aanunsyo ang mga lokal na kumpanya ng langis ng kanilang price adjustment sa Lunes na magiging epektibo ng Martes.








Comments