P1.3 bilyong shabu, nasabat sa Manila Port

by Mai Ancheta @News | November 5, 2026

Photo: 1.3 bilyong shabu nasabat sa Manila Port - BOC
Nasamsam ng mga otoridad ang P1.3 bilyong halaga ng hinihinalang shabu na nakalagay sa 200 vacuum-sealed plastic bags sa loob ng 50 kahon sa Manila International Container Port (MICP).
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang counterparts sa ibang bansa kaugnay sa drug shipment patungo sa Pilipinas nitong September.
Dumating ang shipment sa Manila North Harbor noong October 6, 2026 at sumailalim sa x-ray examination, K9 inspection at nagpositibo sa resulta ng shabu.
Wala umanong nag-claim sa shipment at isinailalim sa abandonment proceedings kaya nabuksan ang kargamento at natuklasan ang laman nito.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, ang ilegal na droga ay nagmula umano sa Laos.
Nagpapatuloy ang backtracking investigation upang matukoy ang consignee ng kontrabando at mga indibidwal sa nasa likod ng shipment.





Comments