top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P1.1B aid, inilaan ng DSWD sa mga tinamaan ng Bagyong Karding

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 26, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | September 26, 2022



Naglaan ng P1.1-billion budget ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kanilang disaster response at pagbibigay ng assistance sa mga indibidwal na apektado ng Bagyong Karding.


Ayon kay DSWD Spokesperson Romel Lopez, kasalukuyang nagsasagawa ang DSWD ng relief efforts sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, National Capital Region (NCR), at Cordillera Administrative Region (CAR).


Nasa tinatayang 224,000 family food packs din ang naihanda na ng ahensya na ipapamahagi sa 194 evacuation centers kung saan tinutuluyan ngayon ng 9,000 indibidwal.


“Ang kabuuang pondo natin para sa ating disaster response… meron po tayong P1.1 billion para ayudahan ‘yung ang ating mga kababayan. P103 million dito ay quick response funds ng central office ng DSWD, and then ‘yung P43 million ay available na sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, NCR, at CAR,” pahayag ni Lopez sa public briefing ngayong Lunes.


Ayon kay Lopez, inaasahan naman ng DSWD na ang P1.1 billion pondo ay hindi mauubos dahil sapat na rin ito para makatulong sa mga apektadong indibidwal na hinagupit ng Bagyong Karding.


Gayunman aniya, sakaling maubos ito, maaari silang humingi para sa tinatawag na immediate augmentation mula sa Department of Budget and Management (DBM).


“Mga two weeks ago, P1.5 billion po ‘yan. Ito po, nabawasan siyempre kaya P1.1 [billion] na lang ‘yan. Pero hindi po natin talaga nauubos ‘yan. Usually nagagamit natin ‘yung quick response funds natin and ‘yung family food packs,” saad ni Lopez.


“Sa lakas ng pananalasa nitong si Super Typhoon Karding, baka lumobo ‘yung bilang ng apektado nating kababayan. Pero ganu'n pa man, ang DSWD, doon sa ating pondo, nakikita natin na kakayanin naman natin. Kakayanin naman natin silang abutin,” dagdag pa niya.


Ayon sa PAGASA, ngayong Lunes ng umaga, ang Bagyong Karding ay patuloy namang humihina at kumikilos palayo ng Luzon, habang ang natitirang bahagi na lamang ng Pangasinan, Tarlac, Pampanga, at Zambales ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No.1.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page