P-pop group, nag-perform sa Grammys… CARLA, PROUD SA ANAK NA LIDER NG KATSEYE
- BULGAR

- 11 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | February 5, 2026
Photo: Katseye / The Grammys / IG
Proud mother ang singer-theater actress na si Carla Guevara Laforteza sa latest achievement ng kanyang anak na si Sophia Laforteza, member ng international girl group na Katseye.
Viral ang performance ng Katseye sa Grammy Awards kamakailan kung saan si Sophia ang lead member.
Naging makasaysayan ang performance ng Katseye sa Grammys dahil sila ang first girl group na nakapag-perform sa sikat na music awards sa America since Destiny’s Child noong 2001.
Nominated ang Katseye bilang Best New Artist at Best Pop Duo/Group Performance sa Grammys para sa kanta nilang Gabriela.
Ipinost ni Carla ang larawan ng Katseye nang umapir sila sa Grammys.
Caption niya: “The way my daughter says ‘Don’t let anybody tell you who you are!!!’ (teary-eyed emoji). I am soooo sooooo proud of you my little global pop superstar! So proud of all my girls!!!
“Look at y’all absolutely KILLING it at the Grammys!!! To be nominated AND perform on the Grammy stage… and just 2 years into your career??? (mind blown emoji).
“YOU’RE ALREADY CHAMPS!!! (trophy emoji) @katseyeworld.”
Pinuri rin si Carla ng mga netizens for raising her daughter Sophia.
“She is an amazing leader!! Elder Eyekons like me are rooting for all of our Katseye girlies.”
“Like mother, like daughter!”
“OUR LEADER.”
“The caption po, Ms. Carla, got me teary-eyed as a mother to Sophia and to all the KATSEYE ladies po.”
“We are all so proud of your daughter and the girls!!!”
Kabog!
Sey nga ng mga GenZs sa socmed (social media), “SOPHIA POSSIBLY THE FIRST GRAMMY PERFORMER WITH A GCASH ACCOUNT?????????” at “Sophia, the first Grammy nominee with a national ID sa bond paper? Hahaha!”
May bago na namang isinu-shoot na endorsement… BEA, PROUD NA “BANGKOK LADY”
TIYAK na matutuwa ang mga fans ni Bea Alonzo sa latest ganap ng aktres.
Sa kanyang Instagram (IG) Story ay ipinost ni Bea ang picture niya habang nagpo-photo shoot para sa isang endorsement sa Bangkok, Thailand.
Nakalagay sa picture ng kanyang IG story ang ‘Bangkok Baby’ kaya alam na kung saan nag-photo shoot si Bea recently.
Madalas kasing sa Bangkok nagpo-photo shoot ang aktres para sa kanyang TVC at print ads, kaya she considers herself siguro as Bangkok baby sa dalas ng punta niya roon.
Definitely, walang baby na nabuo si Bea sa Bangkok, ha? Malabo pang magka-baby ang aktres sa ngayon. Ang dami pa niyang prior commitments na kailangang tuparin.
We heard, may naka-line-up na raw na teleserye para kay Bea at may nakaabang pa na movie offers sa kanya na baka gawin this year. Kaya waiting galore muna siguro ang ‘dramarama sa hapon’ sa ngayon ni Mr. Vincent Co sa kanyang girlfriend.
Pasasaan ba’t matatapos din ni Bea ang kanyang mga tinanggap na commitments at masosolo na siya ni Vincent, pansamantala.
Naku, knowing Bea Alonzo, hahanap-hanapin ng katawan niya ang pag-arte sa harap ng kamera.
Deevah, SK (Shirley Kuan, Bea’s manager)?






















Comments