top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P-Duterte, 'wag magtaka kung isangkot sa korupsiyon kasi todo-tanggol sa mga scammer

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 8, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 8, 2021



KAPAG LUMAHOK SI P-DUTERTE SA HALALANG 2022, MAKAKABILANG SIYA KINA ERAP AT GMA NA MAITUTURING NA GAHAMAN SA POWER--Kapag naging pangulo ka at natapos na ang termino mo, dapat tumigil ka na sa pulitika, magpahinga na lang dahil narating mo na ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.


Kaya kung itutuloy ni P-Duerte ang pagtakbong senador o kaya ay bise-presidente bago o pagsapit ng November 15 substitution of candidates ay pagpapakita 'yan na ang mga pulitikong nagtataguyod ng political dynasty ay mga gahaman sa kapangyarihan, gusto ay palaging may power sa gobyerno, tulad nina Erap at GMA, na mga naging pangulo na, pero nang wala na sa Malacañang ay nag-mayor pa ng Maynila at nag-congresswoman pa ng Pampanga, boom!

◘◘◘

MAY PUNTO SI GORDON NA ISANGKOT SA ANOMALYA SI P-DUTERTE KASI LANTARAN SIYANG NAG-AABOGADO SA MGA SANGKOT SA PS-DBM-PHARMALLY SCAM--Matapos ibida ni P-Duterte na hindi siya corrupt, diretsahan na siyang isinangkot ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee sa PS-DBM (Procurement Service-Dept. of Budget and Management)-Pharmally Pharmaceutical multi-billion peso scam, na ayon sa senador, hindi maglalakas-loob ang mga sangkot sa anomalyang ito kung walang basbas ng pangulo.


May punto si Gordon sa sinabi niyang ito kasi nakita naman ng publiko na imbes magalit si P-Duterte sa mga gumawa ng katiwalian sa gitna ng pandemya, siya pa ang nag-aabogado sa pagtatanggol sa mga taga-PS-DBM at executives ng Pharmally, period!


◘◘◘


MGA PARAK NA KASAMA SA DRUG-BUST OPERATIONS NA IKINAMATAY NG MGA MAYOR, LAGOT!--Pitong buwan bago bumaba sa puwesto sa June 30, 2022 bilang pangulo ng Pilipinas, isinapubliko na ni P-Duterte ang pag-ako sa mga madudugong buy-bust operations, na ayon sa pangulo, pati ang drug bust operations sa mga mayor na ikinamatay ng mga alkalde ay utos niya.


Dahil sa ibinidang 'yan ni P-Duterte ay tiyak na kakaba-kaba na ang mga pulis na nakasama sa mga madudugong drug-bust operations kasi sa tema ng sinabi ng pangulo ay lumalabas na inutusan silang patayin ang mga mayor, at alam ng mga parak na ito, na kapag wala na sa poder ang pangulo ay patong-patong na kasong murder with no bail ang kanilang kakaharapin, lagot!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page