top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P-Duterte, iniiwan na ng mga kapartido, weh?!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 3, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 03, 2021



SINO ANG MGA SINURBEY NG PULSE ASIA PARA PALABASING TOP PRESIDENTIABLE SI MAYOR SARA?—Maraming sektor ang dismayado kay P-Duterte, tulad ng mga manggagawa dahil hindi nito tinupad ang pramis na wawakasan ang contractualization; mga mangingisda dahil dedma sa pananakop ng China sa West Philippine Sea (WPS); mga magsasaka dahil sa rice tariff law; mga guro dahil hindi tinupad ang kanilang dagdag-suweldo; mga tsuper na hinayaang mamalimos; mga estudyante dahil sa pagre-red-tagged sa mga unibersidad; mga health workers dahil kulang ang benefits at kulang na PPEs (Personal Protective Equipment) na kaloob sa kanila; at mga maralita dahil sa kakulangan ng ayuda sa kanila sa gitna ng pandemya.


Sa dami ng mga sektor na ‘yan na dismayado kay P-Duterte, sino kaya ang mga sinurbey ng Pulse Asia para palabasing top si Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga presidentiables sa 2022 elections? Boom!


◘◘◘


P-DUTERTE, KINAKALASAN NA NG MGA KAPARTIDO, INIIWAN PA NG MGA SUPPORTERS—Labingpitong pulitiko ang kumalas sa partidong PDP-Laban ni P-Duterte at lumipat sa partidong Lakas-CMD at sa social media ay kapuna-puna naman na maraming dating DDS (Duterte Diehard Supporters) ang mga anti-Duterte na ngayon dahil bukod sa palpak ang tugon ng gobyerno sa COVID-19 ay maraming pramis ang pangulo sa taumbayan ang hindi niya tinupad.


Iniiwan na si P-Duterte ng kanyang mga kapartido at supporters, bukod pa sa dami ng mga sektor ng lipunan na dismayado sa liderato ng pangulo, tapos sa survey ng Pulse Asia ay Duterte pa rin daw ang malakas sa 2022 presidential election, ha-ha-ha!


◘◘◘


KAPAG HINDI KUMANDIDATO SI VP LENI, LABANAN SA PAGKA-PANGULO SESENTRO SA MARCOS VS. DUTERTE—Kapag hindi kumandidatong pangulo si Vice-Pres. Leni Robredo at sa Camarines Sur ito kumandidatong gobernador, wala nang malakas na panlaban ang “dilawan” at kung kakana sa pagka-pangulo si ex-Sen. Bongbong Marcos ay malamang na sesentro sa kanilang dalawa ni Mayor Sara Duterte-Carpio ang labanan sa pagka-pangulo kasi si Manila Mayor Isko Moreno ay nagsabi nang hindi siya tatakbong pangulo, at si Sen. Manny Pacquiao naman ay tila nag-aalangan na dahil ang ilan sa kanyang kapartido sa PDP-Laban ay nagpahayag na nang suporta sa anak ng pangulo.


Kung BBM vs. Sara, lamang na si Marcos d’yan kasi ang kanilang mga loyalists ay solid pa rin, pero ang Duterte, kinakalasan na ng kanilang mga kapartido, iniiwan pa ng kanilang mga dating supporters, boom!


◘◘◘


TOTOO YATA NA NINONG NI YORME ISKO SI ‘BOY ABANG’, KAYA ‘UNTOUCHABLE’ ANG RAKET NITO SA MAYNILA—Hanggang ngayon daw ay tuloy pa rin ang raket na bookies ng mag-asawang “Boy Abang” at “Lorna” sa Maynila.


Baka nga totoo ang tsismis na ninong sa kasal ni “Yorme” Isko si “Boy Abang” kaya kahit marami pang tinatamaan ng COVID-19 sa Maynila ay “untouchabl” ang kanyang pa-bookies sa lungsod na ito, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page