P-Duterte at Sotto, magbabanggaan sa pagka-VP?!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 01, 2021
BANGGAAN NG BASHER AT PRO-ABS-CBN, ABANGAN NGAYON ELEKSIYON—Ang eleksiyon 2022 ay labanan din ng mga anti at pro-ABS-CBN.
Alam ng publiko na si P-Duterte umano ang nasa likod ng pagpapa-shutdown sa ABS-CBN at alam din ng lahat na tutol sa ABS-CBN shutdown si VP Leni Robredo.
Kaya ang mangyayari ngayong eleksiyon 2022, kung sino ang may ayaw na mabigyan ng prangkisa sa loob pa ng anim na taon ang ABS-CBN ay team Duterte ang iboto at ‘yung mga gustong mabigyan ng prangkisa ang Kapamilya network, team Robredo ang iboto, period!
◘◘◘
IBINUKING NI ROQUE NA SA PANAHON NG KRISIS DULOT NG COVID, SI P-DUTERTE UMANO ANG NASA LIKOD NG PAMUMULITIKA NG PDP-LABAN—Kay P-Duterte nag-boomerang ang sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na ang pangulo raw ang nag-utos kay PDP-Laban Vice-Chairman, Energy Sec. Alfonso Cusi na pulungin ang kanilang kapartido para pag-usapan ang mga gagawing pambato sa 2022 election.
Nagkaroon kasi ng sigalot sa PDP-Laban nang sabihan ni PDP-Laban President, Sen. Manny Pacquiao ang kanilang kapartido na huwag dadalo sa ipinatawag na convention ni Cusi dahil wala raw itong permiso niya.
Dahil ibinuking ni Roque na si P-Duterte ang nag-utos ng convention ay pinutakti na naman ng batikos ng publiko ang pangulo kasi ang laki ng problemang kinaharap ng bansa dulot ng COVID-19 ay pamumulitika na ang utos ng pangulo sa kanyang mga kapartido, buwisit!
◘◘◘
P-DUTERTE, BABANGGAIN NI SOTTO SA PAGKA-VP—Habang ngakngak nang ngakngak si Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ng P-Duterte for Vice-President ay naglabas ng statement si Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto na handa raw siyang kumandidatong VP ng bansa.
Para na rin niyang sinabing babanggain niya sa pagka-VP ang friend nyang si P-Duterte, boom!





Comments