P-Du30, nagpasalamat sa suporta ng sambayanang Pilipino
- BULGAR

- Jun 27, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | June 27, 2022

Nagpahayag na ng taus-pusong pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamayang Pilipino sa ibinigay na anim na taong suporta sa isang thanksgiving event na ginanap nitong Linggo, kahit tatlong araw pa bago magtapos ang kanyang termino. “Maiksi lang po.
Sa sambayanang Pilipino, maraming-maraming salamat sa inyo,” ani Pangulong Duterte sa mga naroon sa Quirino Grandstand, sa Maynila. Tampok sa concert, na tinawag na “Salamat PPRD,” ang isang drone show na nagpapakita ng mukha ng Pangulo at ang kanyang fist symbol.
Sa naturang okasyon, kasama si Pangulong Duterte na umawit ng Petula Clark song na “Fill the World with Love” at nag-perform on stage ang isang grupo ng mga doktor at medical frontliners.
Nagtapos ang event, kung saan kinuha ni Pangulong Duterte ang mikropono at muling umawit ng paborito niyang kantang “Ikaw” kasabay ng fireworks display.
Sinamahan ang Chief Executive ng kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceña habang sina Senator Imee Marcos, Senator Bong Go, at ilan sa Cabinet members ng Pangulo ang dumalo sa okasyon.








Comments