P-Du30, 'di maayos ang away sa PDP-Laban, eepal pa sa giyera ng Russia at Ukraine
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 25, 2022
GUSOT SA PDP-LABAN 'DI MAAYOS NI P-DUTERTE, TAPOS GUSTONG PUMAPEL SA MATINDING GUSOT NG RUSSIA AT UKRAINE — Kung hihilingin daw ng Russia gov't. at Ukraine gov't. ay handa raw si P-Duterte na ayusin ang gusot para matigil na ang giyera ng dalawang bansa.
Ganu'n? Pambihira naman, eh ang away ng mga kapartido niyang sina Sen. Manny Pacquiao at Energy Sec. Alfonso Cusi sa pinamumunuan niyang partidong PDP-Laban ay hindi niya maayos, eh ang matinding gusot pa ng Russia at Ukraine ang gusto niyang ayusin, nya-ha-ha-ha.
◘◘◘
IMBES PAYUHANG DUMALO, SINUSULSULAN PA NI ROQUE SINA BBM AT SARA NA HUWAG DUMALO SA MGA DEBATE — Sabi ni senatorial candidate, former Malacañang spokesman Harry Roque na tama lang daw na huwag dumalo sa mga debate sina presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos at vice presidential candidate, Mayor Sara Duterte.
Hay naku, imbes payuhan sina BBM (Bongbong Marcos) at Sara na dumalo sa mga debate dahil importante sa mamamayan na marinig ang mga plataporma at mga nais gawin sa bansa ng lahat ng kandidato sa pagka-presidente at bise presidente, eh sinusulsulan pa ni Roque na huwag dumalo, tsk!
◘◘◘
KUNG SUNTUKAN WALANG PANALO SI BBM, PERO KUNG SA DEBATE BAKA MANALO SIYA KAY PACMAN — Hinamon ni presidential candidate, Sen. Manny Pacquiao si BBM ng "one-on-one" debate.
Kung suntukan ang hamon, talagang maipapayo natin na huwag lumaban si BBM kasi tiyak knockout abutin niya kay Pacquiao, pero dahil debate naman ang hamon, ay dapat tanggapin ito ni Bongbong, at baka sakali sa debate, ma-"knockout" niya rito si Pacman, boom!
◘◘◘
SINO SINUNGALING SA MAGKAPATID NA GOV. JONVIC AT CONG. BOYING? — Ang pinagdausan ng grand rally ng BBM-Sara tandem sa General Trias, Cavite ay lugar din ng pinagdausan ng people's rally ni presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo, kaya lang may magkaibang bersyon dito ang mag-utol na Gov. Jonvic Remulla at 7th Dist. Boying Remulla.
Matapos kasing magdaos ng people's rally sa Gen. Trias si VP Leni, ay sinabi ng mga kakampink na umabot sa higit 47K katao raw ang dumalo rito, na agad kinontra ni Cong. Boying na nagsabing hindi raw kakasya rito ang 47K katao, pero sa statement ni Gov. Jonvic ay higit 100K daw ang mga taong dumalo sa grand rally ng BBM-Sara sa lugar din na ito.
Dapat nag-uusap muna ang magkapatid na Remulla bago sila maglabas ng statement sa publiko para hindi naguguluhan ang mamamayan, at dahil magkaiba ang kanilang statement, naging usap-usapan tuloy sa social media kung sino kina Gov. Jonvic at Cong. Boying ang sinungaP-Du30, 'di maayos ang away sa PDP-Laban, eepal pa sagiyera ng Russia at Ukraineling, period!





Comments