top of page
Search
  • BULGAR

P-Du30 at President Xi Jinping, may virtual meeting sa Abril 8 – Malacañang

ni Lolet Abania | April 1, 2022



Nakatakda magkaroon ng isang virtual meeting sina Pangulong Rodrigo Duterte at President Xi Jinping ng China sa Abril 8, ito ang kinumpirma ng Malacañang ngayong Biyernes.


Sa Palace briefing,sinabi ni acting Deputy Presidential Spokesperson Kristian Ablan na ang Chinese government ang unang humiling ng pagpupulong.


“Kagabi po si President Rodrigo Duterte po ang nag-announce na meron siyang meeting with China officials at ang alam po natin na online po ang meeting na ito sa darating na April 8,” ani Ablan.


Ayon kay Ablan, ang virtual meeting ay nasa preparatory stage pa lamang nang tanungin siya, kung tatalakayin ng dalawang pangulo ang mga isyu ng West Philippine Sea (WPS) at ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.


Matatandaang nabanggit ni Pangulong Duterte sa ginanap na Joint National Task Force-Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict VII Meeting sa Cebu, ang meeting niya kay Xi Jinping habang tinatalakay ang sigalot sa Ukraine.


“I’m scheduled to... When does he want to talk to me, [Senator Bong Go]? Eight, April 8.


Gusto akong kausapin ni Xi Jinping. Magkaibigan man rin kami. So ako I -- hindi ako sa nagkakampi-kampi ako. I just don’t want war to enter my country,” pahayag ni Pangulong Duterte na bahagi ng katutubong wika, kung saan ang tinutukoy niya ay ang posibleng paglawak ng Ukraine conflict.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page