P-Digong, todo-pramis na walang susuportahang kandidato sa pagka-pangulo
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 28, 2022
BBM, YORME ISKO, SEN. PACMAN AT SEN. PING, WALA NANG AASAHAN KAY P-DUTERTE–Sinabi ni P-Duterte ay magiging neutral siya sa presidential election, wala siyang susuportahang presidential candidate.
Hindi man aminin, pero dahil sa sinabing ‘yan ni P-Duterte, tiyak na lulugu-lugo ang mga naghahangad ng “endorsement” ni P-Duterte na sina BBM, Yorme Isko, Sen. Pacquiao at Sen. Lacson, boom!
◘◘◘
ISKO, MALAMANG ILAGLAG NG MGA TAGASUPORTA NI DR. WILLIE ONG–Hindi dapat magpakasaya si Mayor Isko porke inendorso ng ilang DDS ang tambalan nila ni Mayor Sara Duterte.
Sumama kasi ang loob kay Yorme ng mga tagasuporta ng kanyang katandem na si vice-presidential candidate Dr. Willie Ong dahil sa pang-iiwan nito nang magtungo siya sa Mindanao para ikampanya ang tandem nila ni Mayor Sara.
Ang nais nating ipunto, bitbit nga siya ng ilang DDS, pero malamang ay ilaglag naman siya ng mga Willie Ong Supporters, period!
◘◘◘
KUNG TOTOONG HINDI KINAKAMPIHAN NI P-DUTERTE ANG PHARMALLY, BAKIT HINDI SIYA NAGALIT KAY MICHAEL YANG?–Ayon kay P-Duterte, hindi totoo ang sinabi ni Sen. Richard Gordon na kinakampihan niya ang Pharmally Corp. sa isyu ng pang-i-scam sa kaban ng bayan.
Fake news na naman!
Kung totoong hindi kinakampihan ni P-Duterte ang Pharmally, bakit hindi niya magawang magalit sa kaibigang Chinese national na si Yang Hong Ming, aka “Michael Yang” na nasa likod ng PS-DBM-Pharmally scam? Period!





Comments