P-Digong, todo-lait kay BBM noon, todo-suporta na ngayon
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 7, 2022
P-DUTERTE, TODO-SABI PA NA “WEAK LEADER” SI BBM, “MANOK” NAMAN PALA SA PAGKA-PANGULO–Nagpahiwatig na si P-Duterte na si presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos ang kanyang susuportahan sa eleksiyon.
Aniya, iboto ng publiko na kapalit niya sa Palasyo ang kandidatong Ilokano at dahil si BBM lang ang Ilokano sa mga presidential candidates, walang duda na si BBM na ang “manok” ng pangulo sa presidential election.
Dahil sa statement ni P-Duterte, pinutakte siya ng batikos ng publiko kasi sinabihan niyang “weak leader” si Bongbong, tapos susuportahan naman pala niya.
Next time, huwag nagsasalita nang tapos ang pangulo kung hindi rin lang niya kayang panindigan ang kanyang mga sinasabi, period!
◘◘◘
BAKA HINDI MAKATINGIN NG DIRETSO SI REMULLA KAY BBM–Sa dami ng Kabitenyo na nagpakita ng suporta kay Vice-Pres. Leni Robredo, ewan lang natin kung makatingin pa ng diretso si Gov. Jonvic Remulla kay BBM.
Ang botante kasi ng Cavite ay nasa 800-K at ang 800-K votes ay ipinangako na ni Remulla kay BBM, kaya lang kung titingnan ang dami ng mga Kabitenyong dumagsa sa political rally ni VP Leni, lumalabas na fake news ang sinabi ng gobernador na kaya niyang ibigay kay BBM ang 800-K votes sa Cavite, boom!
◘◘◘
ILANG KANDIDATO SA LOCAL NG AKSYON DEMOKRATIKO, TINABLA SI ISKO?–May ilang kandidato ng Aksyon Demokratiko (AD) sa local positions ang tila hindi na suportado ang kandidatura ni presidential candidate, Mayor Isko Moreno kasi nakikita sila na nakasuporta sa mga kandidatong kalaban ni Yorme sa presidential race.
Kung talikuran man ng kanyang mga kapartido si Yorme ay tiyak na may dahilan ‘yan at maaari ang isa na rito ay ang pag-amin ni Yorme na ibinulsa niya ang higit P50-M campaign funds na sumobra nang kumandidato siya sa pagka-senador noong 2016 election.
Sa totoo lang, bad ang ginawa ni Yorme kasi imbes na ipantulong sa mahihirap ang sumobrang campaign funds ay ibinulsa lang niya, buwisit!





Comments