top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P-Digong, todo-banat kay P-BBM noon, todo-bola na ngayon

BULGAR
Jul 1, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 30, 2022


BANAT NOON NI P-DUTERTE KAY BBM, WEAK LEADER PERO NGAYON, TODO-PURI NA—Sinabi ni outgoing Pres. Rodrigo Duterte na tama lang ang ginawa ni Pres. elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na hindi pagdalo sa mga debate at interview na naging susi kaya ito nanalo.


Aba’y tila nagsisipsip na si P-Duterte kay P-BBM kasi noo’y panay upak niya, na kesyo ‘weak leader’, ‘spoiled brat’ at may ‘bagahe’ pa, pero ngayon ay pinupuri pa niya ang naging diskarte ni P-BBM.


◘◘◘


MATULARAN KAYA NI SARA SI LENI SA COA HIGHEST AUDIT RATING?—Sa kahuli-hulihang pag-audit ng Commission on Audit (COA) sa pondo ng bayan na nasa Office of the Vice-President (OVP) at muli nitong minarkahan ng highest auditing rating ang tanggapan ni outgoing Vice-Pres. Leni Robredo, na ang ibig sabihin ay kahit singko ay walang nasayang na pera rito.


Ito na ang ikaapat na sunod na minarkahan ng COA ng highest audit rating ang OVP ni VP Leni.


Kaya’t ang tanong: Magawa kaya ni incoming VP Sara Duterte-Carpio ang ginawang paggasta ni VP Leni sa kaban ng bayan nang walang nasayang o nakurakot?


◘◘◘


BUMAGSAK NA NGA ANG EKONOMIYA, IBINAON PA NI P-DUTERTE SA UTANG ANG PILIPINAS—Ang pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas ay hindi fake news dahil ang datos ay mula mismo sa PSA at hindi rin puwedeng ilihim ang paglagapak ng ekonomiya dahil ramdam na ‘yna ngayon ng mamamayan sa taas ng presyo ng mga bilihin, bayarin at pasahe.


Ang nakakainis, bumagsak na nga ang ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng Duterte administration, ibinaon pa ni P-Duterte sa utang ang bansa, tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page