top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P-Digong, pinaglalaruan lang ng mga amuyong

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 31, 2020
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | October 31, 2020



Binuksan na raw ang lokal na turismo.


Hindi totoo ‘yan.


May restriction pa rin: Kailangan pa ang COVID-19 test!


◘◘◘


Nilalangaw pa rin ang mga mall.


Siyempre, tinakot ninyo ang mga tao, eh!


◘◘◘


Responsible ang mga tao sa sarili nilang kaligtasan.


Hindi sila lalabas ng bahay—nang nagmo-mall lang!


◘◘◘


Pinakadahop ang Pasko at lugi rin ang mga mall at palengke.


Walang 13th month dahil nasisante sa trabaho!


◘◘◘


Hindi rin bibili ng bagong damit ang mga bata at matanda.


Hindi puwedeng mamasko o maglamyerda kahit sa kamag-anak!


◘◘◘


Walang Christmas Party.


Pwes, hindi kailangan ang damit na pamasko.


Lugi ang tindero’t tindera!


◘◘◘


Mataas daw ang presyo ng baboy.


Bayaan ninyo sila, kapag walang bumili at nilangaw ‘yan—iba-bargain din ‘yan!


◘◘◘


Malabo ang giyera sa korupsiyon.


Kikita lang ng tongpats ang mga imbestigador!


◘◘◘


Palpak pa rin ang internet signal.


Walang talab ang pananakot ni P-Digong!


◘◘◘


Ibinabala ang malakas na Bagyong Rolly.


Panibagong krisis ini!


◘◘◘


Talamak din ang korupsiyon sa Customs.


Napakatagal nang katarantaduhan ‘yan!


◘◘◘


Grabe ang korupsiyon, wala namang naitutumba si P-Digong.


Pinaglalaruan si P-Digong ng kanyang mga amuyong!


◘◘◘


Ang korupsiyon ay klase ng fund raising para sa 2022 elections.


Karaniwang may basbas ito ng may control sa administrasyon.


Normal na kalakaran sa Pilipinas at sa buong daigdig.


Walang duda ‘yan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page