P-Digong, nagpabakuna ng Sinopharm, wa’ paki kahit ‘di aprub ng FDA
ni Ka Ambo - @Bistado | May 05, 2021
Naghiwalay na ang mag-asawang sina Bill at Melinda Gates.
Bilyunan ang partehan d’yan.
Huwag mo, huwag ka.
‘Ere ang bilyon mo, ‘eto ang bilyon ko!
◘◘◘
NAGPATUROK ng Sinopharm vaccine si P-Digong kahit walang garantiya ng FDA.
Exempted ang “hari” sa protocol!
◘◘◘
INILARGA na ang Sputnik V vaccine ng Russia.
Ang U.S., kinokorner ang bakuna sa sarili nilang bansa.
Pero, ang China at Russia sumasaklolo nang diretso sa mga Pinoy!
◘◘◘
NAKATUTULONG ang pakikipagkaibigan ni P-Digong sa China at Russia—bakuna nila ang unang sumaklolo sa panahon ng pandemic.
Nasaan ang BFF na ‘Kano?
◘◘◘
PINEPEKE ang bakuna ng Pfizer.
Dapat silang i-tokhang!
◘◘◘
HINDI pa tinutukoy ni P-Digong ang papalit kay Debold Sinas.
Mahilig siya sa sorpresa!
◘◘◘
MINURA ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin ang mga Tsekwa.
Mana sa amo!
◘◘◘
BUMABABA na ang bilang ng nagkaka-COVID.
Nalulungkot ang mga negosyanteng may-ari ng mga ospital!
◘◘◘
DAPAT iutos ang Malacñang ang “refund” sa mga matrikula na ibinabayad sa private school na hindi nagamit ang pasilidad dahil sa “100 percent online” class.
Dapat imbestigahan ang mga buwiteng private schools!
◘◘◘
DAPAT ay iutos ng Malacañang ang 50 percent discount sa matrikula sa mga eskuwelahang hindi nagamit ang pasilidad ng campus.
Hindi ito napapansin, pero dambuhalang raket ‘yan at panlilinlang sa mga magulang ng mga estudyante!
◘◘◘
BAKIT hindi nagrerekomenda ang DepEd ng bracket sa “matrikula” upang matulungan ang mga naka-enroll sa private school na hindi naman gumamit ng “eskuwelahan”.
Isipin ninyong “online class”, pero “full payment” pa rin ang matrikula.
Lintek!





Comments