top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P-Digong, may listahan ng mga korup, pero ‘di ibubunyag ang mga pangalan, pwe!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 26, 2020
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 26, 2020



Galit si P-Digong sa mga korup.


Pero, sa mga korup lang na kalaban lang niya sa pulitika!


◘◘◘


Isinumite kay P-Digong ang listahan ng mga kongresista na may “tongpats” sa mga kontrata.


Pero, aniya, hindi niya maibubunyag ang mga pangalan at mapaiimbestigahan ang mga mambabatas sapagkat magkahiwalay ang lehislatura at ehekutiba.


Weh?!


◘◘◘


Pumapalag si Sen. Leila de Lima dahil si P-Digong mismo ang nag-expose sa kanya at nag-utos ng imbestigasyon hanggang siya ay makalaboso.


May katwiran ang hitad!


◘◘◘


Malinaw na kinukunsinte ng Duterte Administration ang mga kapanalig sa isyu ng korupsiyon.


‘Yan din mismo ang nararanasan mismo sa Kamara!


◘◘◘


Kinukuwestiyun ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson kung bakit pinalobo ni Speaker Lord Allan Velasco ang infra budget ng kanyang mga “beshie” na kongresista.


Ibinulgar ni Lacson na P620 milyon ang pinakamaliit na alokasyon bawat kongresista at aabot naman ang P15 bilyon naman ang pinakamalaki.


Nakakasuka!


◘◘◘


Napag-ALAMANG sa distrito sa Davao ay may P15.351-B budget; sa Albay ay P7.5-B; sa Benguet ay P7.9-B at Abra ay P3.75-B.


“Insertion” ang tawag sa modus sa 2021 budget!


◘◘◘


Bakit ang tahimik ni Velasco at ng kanyang mga alagad na kongresista tulad ni Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves at Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon?


Hindi ba’t nang si Rep. Peter Alan Cayetano pa ang lider ng Kamara, halos mapatid ang litid ni Teves sa pagkuwestiyon ng malaking pondo umano ng mga kaalyado ng dating speaker?


◘◘◘


Inamin ni Lacson na may insertions din ang ilang senador pero nagmistulang pang “barangay kagawad” lang ito kumpara sa dambuhalang insertions ng mga kongresista.


“Colleagues, all I can say is, pity yourselves, those of us who may have individual insertions, it will make you look like barangay kagawads compared to our House counterparts. You see, from a high of P15.351 billion to a low of P620 million,” pagbubunyag ni Lacson.


◘◘◘


Pinatutsadahan pa ng senador si Velasco sa pagsasabing ang speaker ang may kumpas ng paghahanda sa budget at kung sinu-sino ang makakakuha ng mas malalaking pondo kaya mali na ibaling ang sisi sa DPWH.


Pero, kwidaw, hindi pa dapat magdiwang ang mga kongresista dahil may bicameral committee pa na dadaanan ang 2021 national budget!


◘◘◘


Kumbaga, magpapambuno ang mga senador at kongresista sa pagtalakay sa budget sa bicameral committee.


‘Yan ay kung hindi mag-aaregluhan kung saan maaaring magwagi rin ang mga galamay ng speaker sa bandang huli ng giyera-patani!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page