P-Digong, gusto na siya lang ang nagmumura
- BULGAR
- May 6, 2021
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 06, 2021
GUSTO NI P-DIGONG, SIYA LANG ANG NAGMUMURA—Hindi nagustuhan ng Malacañang ang pagmumura ni Sec. Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa China na sumakop sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, tanging si P-Duterte lang umano ang puwedeng magmura at hindi ang mga miyembro ng Gabinete nito.
Akala ng publiko, ayaw na ni P-Duterte na may nagmumura, ‘yun pala ay gusto niyang siya lang ang nagmumura, boom!
◘◘◘
DAHIL TILA TUMIKLOP NA SI SEC. LOCSIN, BAKA WALA NANG GOV’T. OFFICIAL ANG MAGBUBUNGANGA SA CHINA—Tulad ni P-Duterte, palamura rin talaga si Sec. Locsin at dahil hindi nagustuhan ni P-Duterte ang pagmumura ng DFA secretary sa China nang sabihin ng pangulo na kahit may hidwaan tungkol sa West PH Sea ay dapat irespeto pa rin daw ang China.
Dahil alam ni Sec. Locsin na nasaktan niya damdamin ni P-Duterte sa pagmumura niya sa China, ay nag-sorry ang DFA secretary.
At dahil tila tumiklop na si Sec. Locsin sa mga atake niya sa China, ay malamang wala ng gov't. official magbubunganga sa China, period!
◘◘◘
P-DUTERTE, WALANG PLANONG HUMINGI NG TULONG SA UN PARA MABAWI SA CHINA ANG WPS?—Sabi ni P-Duterte, wala raw siyang ipinangako noong 2016 election na babawiin ng kanyang gobyerno ang mga isla at karagatan sa West PH Sea na sinakop ng China.
Kumbaga, parang sinabi na rin ni P-Duterte na kahit nanalo ang Pilipinas sa kaso sa Permanent Court of Arbitration (PCA) ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay walang plano ang kanyang pamahalaan na humingi ng tulong sa UN para palayasin ang mga Chinese sa West PH Sea, boom!





Comments