top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P-Digong, gusto na magpahinga kinukulit pa mag-Senador ng PDP-Laban

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 29, 2021



KAPAG PINAKINGGAN NG MGA BOTANTE ANG SINABI NI VP LENI NA TANGGAPIN ANG PERA PERO HUWAG IBOTO ANG MGA NAMIMILI NG BOTO, LAGOT ANG MGA TRAPO—Maraming trapo (traditional politicians) na namimili ng boto ang “napaaray” sa sinabi ni Vice-Pres. Leni Robredo na dapat tanggapin ng mga botante ang pera ng mga pulitiko, pero dapat huwag itong iboto at iba na lang.


“Mapapaaray” talaga ang mga trapo kasi kapag pinakinggan ng mga botante ang sinabi ni VP Leni ay tanggapin nga ang pera nila, tapos hindi naman sila iboboto, boom!


◘◘◘


SABI NG COMELEC BAWAL PAMIMILI NG BOTO, PERO “NGANGA” NAMAN SA MGA NAMIMILI NG BOTO—Pinutakti ng batikos sa social media si Comelec spokesman James Jimenez nang kontrahin niya ang sinabi ni VP Leni dahil ayon sa tagapagsalita ng Comelec, labag sa batas ang pamimili ng boto at hindi ito dapat iniindorso.


Mababatikos talaga si Jimenez kasi una ay hindi naman sinabi ni VP Leni na iboto ang mga namimili ng boto, aniya ay ‘wag iboto ang mga namimili ng boto.


Ikalawa, kada eleksiyon naman talaga ay maraming pulitiko ang namimili ng boto, pero ang Comelec ay “nganga” lang kasi mula noon hanggang ngayon ay wala pang naipakukulong ang Comelec ng kandidatong namili ng boto, period!


◘◘◘


BANAT NOON NG ABS-CBN SA MGA POLITICAL DYNASTY, DAHILAN KAYA NI-REJECT ANG KANILANG PRANGKISA?—Bago mag-eleksiyon noong 2019 national and local election ay ang daming pulitikong nagtataguyod ng political dynasty ang tinamaan sa ibinalita ng ABS-CBN tungkol sa magka-kapamilyang sabayang kumandidato, at kabilang sa mga tinamaan sa news ng Kapamilya network ay ang political dynasty ng Pamilya Duterte at Pamilya Cayetano.


Panahon ni P-Duterte bilang pangulo at panahon ni Cayetano bilang speaker nang i-reject ang hirit na prangkisa ng ABS-CBN, kaya’t hindi maiaalis na may kaugnayan sa malayang pamamahayag ng Kapamilya network na pumuna sa dynasty ng mga pulitiko ang sanhi kaya hindi na ni-renew ng pamahalaan ang franchise nito, lalo’t karamihan sa 70 kongresistang nagbasura sa franchise renewal ng Dos ay mga pulitikong may political dynasty din, boom!

◘◘◘


GUSTO NA NI P-DUTERTE MAGPAHINGA SA PULITIKA, KINUKULIT PA NG PDP-LABAN NA KUMANDIDATONG SENADOR—Noong una ay sinabi ng PDP-Laban (Cusi wing faction) na ang kandidato nila for vice-president ay si P-Duterte, pero nang hindi ito kumandidatong VP at sabihing magpapahinga na siya sa pulitika ay pinipilit ngayon ng kanyang mga kapartido ang pangulo na kumandidatong senador.


May kakulitan din ang grupo ni PDP-Laban President, Department of Energy Sec. Alfonso Cusi kasi sabi ni P-Duterte ay magpapahinga na siya sa pulitika, tapos kinukulit pa nila ang pangulo na kumandidatong senador, tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page