P-Digong, ‘blind item’ pa more sa korup na presidential candidate
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 27, 2022
SINO KAYA SA MGA PRESIDENTIAL CANDIDATE ANG “KORUP” NA PAPANGALANAN NI P-DUTERTE?–Ayon kay P-Duterte, sa takdang panahon ay papangalanan niya ang presidential candidate na korup.
Ang mga presidentiable na walang bahid ng korupsiyon ay tiyak na kalmado lang d’yan, pero ‘yung presidential candidate na alam niya sa sarili na siya ay korup, tiyak na kakaba-kaba na kasi kilala si P-Duterte na taklesa at talagang papangalanan nung sinuman ang nasa kanyang blind item, boom!
◘◘◘
WALANG “K” SI P-DUTERTE NA MAG-AKUSANG KORUP SA SINUMAN KASI IPINAGTATANGGOL NIYA ANG MGA SCAMMER AT HINDI RIN SIYA NAGPAPAKITA NG SALN–Sa totoo lang, walang “K” si P-Duterte na mag-akusang korup ang isang tao, lalo na sa presidential candidate.
Bukod sa lantarang pagtatanggol niya sa mga taga-PS-DBM (Procurement Service -Dept. of Budget and Management) at Pharmally Pharmaceutical Corp. na sangkot sa pang-i-scam sa bilyun-bilyong pisong pera ng bayan, hanggang ngayon ay patapos na ang kanyang termino, hindi pa niya isinasapubliko ang kanyang SALN (Statement of Assets and Liabilities), period!
◘◘◘
LAGOT ANG MGA ILEGAL AT ABUSADONG MINING COMPANY–Sabi ni Vice-Pres. Leni Robredo, sakaling siya ang palaring maging pangulo ay ipatitigil niya ang operasyon ng mga mining company na sumisira sa kalikasan.
Dahil d’yan, lagot ang mga illegal miners kasi mag-a-ala-Gina Lopez pala si VP Leni sa pagbangga sa mga abusado at illegal mining company sa bansa, period!





Comments