top of page

P-Digong at BBM nag-usap na, imposible nang matalo sa bilangan

  • BULGAR
  • Mar 26, 2022
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 26, 2022


AKTUWAL nang inendorso ng isang paksiyon ng PDP- Laban si ex-Sen. Bongbong Marcos.


Lalong nag-peak si BBM.


◘◘◘


MAHAHATAK nang todo si Mayor Sara sa deklarasyon ng PDP-Laban kung saan lalo nang nagiging irreversible ang pagiging llamado sa Mayo.


Ibig sabihin, ang naunang 55-60 percent ranggo sa mga nakaraang survey ay hindi pa totoong “peak” , bagkus ito ay umaangat pa.


◘◘◘



KUNG susumahin, maaaring maabot ang unprecedented 70 percent na suporta kay BBM kapag lumabas ang mga susunod pang survey.


Dapat nating maunawaan na hindi pa aktuwal na ineendorso ni Digong si BBM.


◘◘◘


KINUMPIRMA ni Sen. Bong Go na nag-usap nang matagal sina BBM at Digong bago nagdeklara ang PDP- Laban.


Kumbaga, nakatimpla pa rin ang “peak” ni Marcos.


Kapag ganyan, imposible siyang matalo sa bilangan.


◘◘◘



DAPAT nating maunawaan na nagwagi rin sa aktuwal na Comelec canvassing ang matandang Marcos at naiproklama ito.


Maraming posibleng gawin ang mga anti-Marcos para hindi makabalik sa Malacañang.


◘◘◘


ANG mga anti-Marcos ay hindi lang ang maka-VP Leni, bagkus ay kasama d'yan ang mga “naapektuhan ng deklarasyon ng Martial Law”.


Pinakamalaking naapektuhan ay ang Vatican City kung saan ipinamigay ni Marcos sa mga magsasaka ang mga rice lands at lupain ng Simbahang Katoliko batay sa Land Reform Act.


◘◘◘


HALOS kasabay ng endorsement ng PDP-Laban, inendorso naman ng Partido Reporma ang kandidatura ni VP Leni.


Pero, hindi si BBM ang tinamaan ng latay, bagkus ay si Sen. Ping Lacson.


◘◘◘


NAIIWANAN na nga sa resulta ng survey, kinangkong pa ni VP Leni ang kakarampot na suporta kay Lacson.

Dahil nakabase sa Mindanao ang Partido Reporma ni Pantaleon Alvarez, kasabay na tinamaan nito si Sen. Manny Pacquiao.


◘◘◘


SA kabilang panig, bigo si Mayor Isko na makuha ang suporta ng PDP-Laban, kaya’t siya ang tinamaan ng pagsuporta ni Alfonso Cusi kay Marcos.


Sa equation, mas malaki ang makokopo ni Marcos mula kay Isko kaysa sa makukuha ni VP Leni mula kina Lacson at Pacquiao na kapwa nasa laylayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page