top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

P-BBM, todo-bida na bumaba ang inflation rate, kalabasa lang naman ang nagmura, buwisit!!!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 8, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 08, 2023



10 TO 20 YEARS BAGO KASUHAN ANG MGA MANG-I-SCAM SA MAHARLIKA FUND, SA TAGAL BAKA DEDBOL NA SA KATANDAAN ANG MGA NANGURAKOT HINDI PA RIN SILA NAKAKASUHAN -- Sinabi ni Sen. Chiz Escudero na hindi raw katanggap-tanggap sa mamamayan ang inaprubahan ng mga kapwa niya senador patungkol sa probisyong Seksyon 50 na 10 taon ang takdang panahon, at sa Seksyon 51 ay 20 taon ang takdang panahon bago masampahan ng kasong plunder ang mga opisyal na mamamahala sa Maharlika Investment Corporation (MIC), kapag ang P500 billion investment fund ay nakurakot.

Aba’y hindi talaga katanggap-tanggap ‘yan kasi sa tagal ng panahon na ‘yan, 10 years to 20 years ay baka nadedbol na sa katandaan ang mga nangwalanghiya sa P500-B Maharlika Investment Fund, ay hindi pa rin sila nakakasuhan, boom!

XXX

KALABASA LANG PALA BUMABA ANG PRESYO, IBINIDA PA NI P-BBM -- Ibinida ni President Bongbong Marcos (P-BBM) na bumaba na raw sa 6.1% ang inflation rate sa bansa, pero sa interview ng media sa mga namamalengke ay hindi nila ramdam ang sinasabing bumaba na presyo ng mga bilihin, at nang matanong ang mga manininda, ay tanging kalabasa lang daw ang bumaba ang presyo dahil sa dami ng ani ng mga magsasaka.

Hay naku, kalabasa lang pala bumaba ang presyo, tapos ang ibinibida sa publiko ni P-BBM na lahat daw ng bilihin, bumaba na presyo, pwe!

XXX

DAMING ‘TONGPATS COLLECTOR’ SA PANAHON NI GEN. ACORDA -- Kung si alyas "Billy Joe" ang pinuno ng mga "tongpats collector" sa mga ilegalista sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), ay sina alyas "Istantino" at "Jun Puti" naman daw ang mga head ng mga tongpats collector sa mga ilegalista sa Pangasinan.

Daming nagsusulputang tongpats collector sa panahon ni PNP Chief Benjamin Acorda, kasi mantakin n’yo, from South to North sa Luzon, may mga tongpats collector, buset!

XXX

DAHIL SA ‘TONGPATS’ KAYA 'UNTOUCHABLE' RAKET NG MGA ILEGALISTA -- Kabilang daw sa hinihingan ng "tongpats" ni "Billy Joe" ay ang "perya ng bayan-con jueteng" nina "John Yap" at "Reden" sa Cavite; STL (Small-Town Lottery)-con jueteng nina "Ibora," "Toce," "Alvarez," at color games nina "Baby Panganiban" at "Troy" sa Laguna; "jueteng" at "Lotteng" nina "Tisoy," "Reyes," "Biskotso" at color games ni "Aling Tessie" sa Batangas at STL-bookies nina "Kit" at "Egay" sa Rizal; at ang hinihingan din ng "tongpats" nina "Istantino" at "Jun Puti" ay ang color games at drop balls nina "Akie" sa Malasique, "Jano" sa Bautista, "Mel" sa Urdaneta City, "Conrad" sa Manaoag, "Rene," "Bunso" at "Alvin" sa Binmaley at San Jacinto, pawang sa Pangasinan.

Ang tongpats collection na ‘yan ang dahilan kaya raw “untouchable" ang raket ng mga ilegalista sa jurisdiction nina PNP-Region 4 Director, Brig. Gen. Carlito Gaces at Pangasinan PD Col. Jeff Fanged, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page