P-BBM sa mga smuggler at hoarder: Bilang na ang mga araw n'yo!
- BULGAR

- Jul 25, 2023
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 25, 2023

Binalaan ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. ang mga smuggler at hoarder ng mga produktong pang-agrikultura na bilang na ang araw ng mga ito.
Sa kanyang ikalawang State of the Nation Address, sinabi ni Marcos na ang mga smuggler at hoarder ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga agricultural products kabilang ang mga pataba na ginagamit ng mga magsasaka.
"Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang mga smuggler, mga hoarder, at mga nagmamanipula ng produktong pang-agrikultura. Ihahabol at ihahabla natin sila," wika ni Marcos.
"Sadyang hindi tama ang kanilang gawain at hindi rin ito tugma sa ating magandang layunin, pandaraya ang kanilang ginagawa. Napapahamak hindi lamang mga magsasaka, kundi tayo ring mamimili kaya't hindi natin papayagan ang ganitong kalakaran. Bilang na ang araw ng mga smugglers at hoarders na 'yan," diin pa ng Pangulo.








Comments