Biyahe sa Indonesia, Singapore, US, Cambodia at Thailand... P-BBM, nakalikom ng $23.6B investment
ni Mylene Alfonso | December 24, 2022

Nakalikom ng $23.6 bilyon na “investment pledge” si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa kanyang mga foreign trips.
Ito ang inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kanilang accomplishment report.
Ayon sa year-end report ng DTI, ito ang bunga ng pagbisita ni Pangulong Marcos sa Indonesia, Singapore, United States, Cambodia, at Thailand.
Isinama rin ng DTI sa kanilang report ang kasalukuyang government export registered at generated investment partikular na sa DTI Board of Investments (BOI).
Sa performance report, nabatid na ang BOI at ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA), inaprubahan umano ang investment na nasa P402 bilyon na nakalikha ng may 54,217 lokal na trabaho.
Sa ilalim ng Corporate Recovery and TaxIncentives for Enterprises (CREATE) Act, ang inaprubahang proyekto ng BOI simula noong Agosto ay umabot sa P46.7 bilyon na may inaasistihan na 1,994 investor na nais magtayo ng negosyo sa bansa.
Nakapaghikayat din ng 90 foreign investment na nasahalagang $17.7 bilyon halaga ng exports na tumaas ng 13.5% sa nakalipas na record.
Naasistihan din ng DTI ang may 3,922 exports kung saan lumahok ito ng 4.7% noong nakalipas na taon.





Comments