P-BBM, nag-merienda ng pansit, lumpia, etc. sa food truck sa New York City
- BULGAR
- Sep 24, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 24, 2022

Nagpahinga saglit sa kanyang working duties sa Amerika si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para i-enjoy ang street culture o street food ng bansa.
Sa nai-share na larawan ni Office of Speaker Martin Romualdez at nai-post sa Twitter ng GMA News, makikita si Pangulong Marcos na nagme-merienda mula sa isang food truck sa New York City.
Batay sa isang statement, sinubukan nitong kumain ng Filipino food gaya ng bulalo, pansit, lumpia, at pork barbeque.
Habang sinamahan siya nina First Lady Liza Araneta Marcos, Speaker Romualdez, at iba pang miyembro ng Philippine delegation at pinanonood na masayang kumakain.
Bumisita si Pangulong Marcos sa US upang magsalita sa nakatakdang 77th session ng United Nations General Assembly.
Sa naganap na sidelines ng UN General Assembly, nagkita at nakausap na rin sina Pangulong Marcos at US President Joe Biden, kung saan tinalakay ng dalawang lider ang mga issues sa South China Sea, ang Indo-Pacific Economic Framework, ang pagpapatuloy ng trade partnerships at defense, at iba pa.
Nitong Biyernes, nakipagpulong din ang Chief Executive sa ilang opisyal ng American private companies sa New York, kabilang na ang mga executives ng Procter & Gamble, Sutherland Global Services, at nasa tinatayang tatlong kumpanya na maaaring mag-provide ng modular nuclear power plants sa bansa.





Comments