top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

P-BBM, mula nang hawakan ang DA, dumami ang gutom

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 31, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 31, 2023


NGAYON LANG NANGYARI NA ANG RATING NG PRESIDENTE, PABABA NANG PABABA -- Noong October 2, 2023, sa inilabas na survey ng Pulse Asia ay bumagsak ng 15% ang rating ni Pres. Bongbong Marcos, na mula sa dating 80% ay lumagapak ito sa 65%, at nitong nakalipas na October 29, 2023 ay naglabas naman ng survey ang OCTA Research Group at bumaba na naman ang rating ni P-BBM, na mula sa 65%, ay bumagsak ito sa 59% na ibig sabihin, 6% ang nabawas sa rating ng Presidente.


Sa totoo lang, ngayon lang nangyari ‘yan na ang rating sa survey ng presidente ay pababa nang pababa, kasi ang mga nagdaang presidente, hanggang sa katapusan ng kanilang mga termino ay hindi bumababa ang rating nila sa mga survey, period!


◘◘◘


SA LIDERATO NI P-BBM SA DA, TUMAAS ANG PRESYO NG MGA BILIHIN KAYA MARAMING NAGUTOM -- Ano ba ang meron o ano ba ang tunay na dahilan at ayaw pang bitawan ni P-BBM ang pamamahala sa Dept. of Agriculture (DA)?


Buti sana kung mula nang pamunuan niya ang DA ay bumaba ang presyo ng mga bilihin, eh ang masaklap hindi naman.


At sa totoo lang, hindi naman ito fake news, na mula nang italaga niya ang kanyang sarili bilang DA sec. ay nagtaasan ang presyo ng mga bilihin, at maraming Pinoy na ang nagutom, at isa ‘yan sa dahilan kaya bumaba ang rating niya sa mga survey, boom!


◘◘◘


BUMABA MAN ANG RATING, MAS MARAMI PA RIN ANG HAPPY SA PERFORMANCE NI VP SARA KAYSA KAY P-BBM -- Bumaba rin naman ang rating ni Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte sa survey ng OCTA, na mula sa dating 82%, ay nabawasan ito ng 12% kaya sa ngayon ang rating na lang ni VP Sara ay 70%, pero kapuna-puna na mas mataas pa rin ang performance rating niya kumpara kay P-BBM na 59% na lang ang performance rating.


Ibig sabihin n’yan ay mas marami ang satisfied o nasisiyahan sa performance rating ni VP Sara, kaysa kay P-BBM, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page