ni Angela Fernando @News | May 1, 2024
Binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga manggagawang Pilipino sa Araw ng mga Manggagawa o Labor Day.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng Pangulo na ang Pilipinas ay itinayo sa pawis at kwento ng mga Pilipino na araw-araw na nagtatrabaho upang maibigay ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya at magkaroon ng pagkakataon na maiayos ang kanilang buhay.
“From the bustling cities to the remote fields in the countryside, it is the labor of the Filipino that propels us forward, fueling our economy and sustaining the very fabric of our society,” saad niya.
Ayon pa kay Marcos, patuloy daw ang suporta ng gobyerno sa mga manggagawang Pinoy.
“On this special day, we recognize the invaluable contributions of our hardworking men and women whose grit and resilience have paved the way for our national development. We also pay homage to all the people who raised their voices in the pursuit of social justice, championing the rights of workers and ensuring that their efforts are duly valued and compensated,” dagdag niya.
Samantala, magdaraos ng isang job fair ang Department of Labor and Employment ngayong araw upang gunitain ang Labor Day.
Comments