Daan-daang 'ghost projects', dahil sa maling datos
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | February 2, 2026

File Photo: Ping Lacson / FB
Nilinaw ni Senador Panfilo Lacson na ang pag-uugnay sa daan-daang flood control projects bilang umano’y “ghost projects” ay nagmula sa maling grid coordinates na naisumite sa Malacañang noong panahon ng pamumuno ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, tinalakay ang kahalagahan ng mas maayos na project mapping, tamang geographic coordinates, at masusing beripikasyon upang maiwasan ang maling interpretasyon sa estado ng mga proyekto.
Dahil sa mga maling datos, nagkaroon ng impresyon na may mga proyektong “nawala” kahit na ang ilan sa mga ito ay aktuwal na naisagawa at matatagpuan sa aktuwal na lokasyon sa field.
Batay sa mga isinagawang joint inspection ng DPWH, kabilang ang mga site visit sa Bulacan, napatunayang umiiral at naipatupad ang ilan sa mga proyektong una nang pinagdududahan.
Gayunman, may mga proyektong natagpuan sa ibang lugar dahil sa hindi tugmang coordinates na naisumite sa mga opisyal na talaan. Ang mga resulta ng mga nasabing inspeksiyon ay nakapaloob sa pormal na ulat ng DPWH.
Nilinaw din na ang mga kontratista ay mahigpit na sumusunod sa mga teknikal na plano, disenyo, at direktibang ibinibigay ng DPWH. Wala silang otoridad na magbago ng lokasyon ng proyekto o magtakda ng sariling coordinates.








Comments