top of page

Inginuso ng car agent... Pulis na mister, ipinapatay ang lady cop at anak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Mai Ancheta @News | February 2, 2026



Persons of interest na car agent sa pagpaslang sa mag-ina na si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at ang kanyang eight-year-old son, John Ysmael Mollenido - NCRPO

Photo: NCRPO / Circulated



Person of interest na ang pulis na asawa ng policewoman na pinatay kasama ang anak nito na itinapon sa magkahiwalay na lugar sa Bulacan at Tarlac.


Ayon sa mga opisyal ng Quezon City Police District, nasa kustodiya na nila si Pol. Senior Master Sergeant John Mollenido matapos na ituring na person of interest sa pagkamatay ng asawang si PSMS Diane Marie Mollenido at anak na si John Ysmael.


Ang pag-aresto kay Mollenido ay base umano sa salaysay ng babaeng car agent na ang mismong mister umano ang nag-utos na patayin ang mag-ina. Pera umano ang pinaniniwalaang ugat ng krimen.


Kaugnay nito, nanindigan at inihayag naman ng abogado ni PSMS John Mollenido na si Atty. Cristobal Rimando na hindi arestado ang kanyang kliyente at walang valid na warrant of arrest na inisyu ang kahit anumang korte laban kay Mollenido. 


Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Rimando na hindi tama at misleading umano ang mga ulat na inaresto ang kanyang kliyente.


Samantala, nagsalita na rin ang 41-anyos na lalaki na isa sa apat na suspek sa krimen.

Isinalaysay niya ang umano’y ginawang pagpatay ng mag-asawang dismissed na pulis at babaeng car agent sa mag-inang biktima.


Nanilbihan umano ang sumukong lalaki bilang helper o assistant ng mag-asawang suspek, at iginiit niyang wala siyang kinalaman sa krimen.


Una nang natagpuan ang katawan ng policewoman na nakabalot ng plastic bag sa Pulilan, Bulacan habang ang anak ay itinapon sa taniman ng kalamansi sa Victoria, Tarlac.


Nauna rito ay naaresto ang tatlong suspek sa Quezon City, kasama na ang ahente ng kotse at asawa nitong dating pulis at isa pang indibidwal  kung saan nabawi sa mga ito ang cellphone ng biktimang policewoman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page