top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

P-BBM, inalala ang tatay sa National Museum

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 23, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 23, 2024




Inalala ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang kanyang tatay nang bisitahin niya ang National Museum of Fine Arts sa Maynila nitong Biyernes.


Ayon sa kanya, kamukha ng museo ang dating dako ng pagpupulong ng Senado. Binusisi niya rin kung paanong nagbago ang mga disenyo sa Pilipinas sa nakalipas na 50 taon.


Sa kanyang talumpati, binanggit ng Pangulo kung paano niya hinihintay ang kanyang ama, ang yumaong dating pangulo na si Ferdinand Marcos Sr.


"I spent many hours in this place waiting for my father to finish his work while he was senator and senate president," aniya.


"I sat there and watched all of these that were happening. It's so nice to be back here," dagdag pa niya, habang tinuturo ang isang lugar sa likod ng lumang session hall.


Ibinahagi pa ni Pangulong Marcos na nasaksihan ng National Museum ang kanyang pinakamamahal na alaala kasama ang kanyang ama.


"And, maybe, without even knowing it, I learned a great deal from having experienced the comings and goings of the upper house in the legislature. So thank you for that," pahayag niya.


Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinahayag ni Marcos na kung gaanong ka-espesyal sa kanya ang National Museum of Fine Arts.


Noong 2022, nanumpa siya sa nasabing museo bilang ika-17 na pangulo ng Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page