P-BBM, ‘di pinaliwanag ang ‘ideolohiya ng kanyang administrasyon
- BULGAR
- Jul 26, 2023
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | July 26, 2023
MAAYOS naman ang SONA ni P-BBM.
Higit kalahati ng teksto ay ipinokus sa agrikultura.
Kumbaga, binoldyak ang sikmura.
◘◘◘
NAKAPOKUS ang talumpati sa pangangailangan ng ordinaryong tao.
Malaki ang tama nila.
◘◘◘
NILINAW ni P-BBM na target nila ang “100 percent” na makatikim ng elektrisidad ang bansa.
Siyempre, dapat magpokus sa mga liblib na lugar.
◘◘◘
PERO, hindi sapat na magkaroon lang ng elektrisidad, dapat ay maayos at episyenteng serbisyo.
Kumbaga, hindi tipong patay-sindi na “beerhouse” ang komunidad, bagkus ay dapat makatikim sila ng modernisasyon.
◘◘◘
MALAYA na kasi ang mga private player na makapasok sa distribusyon ng elektrisidad tulad sa More Power.
Ibinunyag naman ni Sen. Grace Poe, ang ginhawa sa Iloilo City nang palitan ang PECO ng More Power.
◘◘◘
NAG-INVEST agad ng P1.5 billion ang More Power para palitan ang ‘ageing, obsolete at dilapidated’ na power distribution facilities sa Iloilo City.
Mula sa dating P13 per kilowatt hour ay nasa P6.40 kwh na lamang ang singil sa kuryente — isa sa pinakamababang electricity rates sa buong bansa.
◘◘◘
MODERNISASYON talaga ang susi sa krisis.
Iniimbestigahan ng Senado ang rotational brownouts sa Panay, Negros, Nueva Ecija, Northern Samar, Pampanga, San Isidro at San Jose sa Nueva Ecija, Calaca sa Batangas, at Quezon province.
Patay-sindi rin ang elektrisidad sa Tabuk City sa Kalinga, South Cotabato, Maguindanao, Ozamiz, Lumban sa Laguna, Zamboanga City, Pangasinan, Tarlac, Marinduque, Camarines Norte, Echague sa Isabela, Zamboanga Sibugay, Masbate, Davao Oriental, Southern Leyte, Casiguran sa Aurora, at Bicol.
◘◘◘
NABATID na ang mga electric cooperatives ay ipinauutang ng pondo ng gobyerno at binibigyan ng incentives.
Pero, ganun pa rin, palpak pa rin ang serbisyo ng mga ito dahil sa dispalinghadong mga pasilidad.
◘◘◘
MARAMI ang natuwa sa pahayag ni P-BBM na pararamihin pa ang mga Kadiwa Center.
Mababa ang presyo sa Kadiwa dahil walang patong ang mga “middlemen”.
Gobyerno mismo ang nagsisilbing “ahente”.
◘◘◘
IBINALITA ni P-BBM ang mabilis na pagrekober ng ekonomiya.
At tinukoy niya ang Maharlika Fund na magiging giya o gulugod sa pag-unlad ng bansa.
◘◘◘
MAY ipinakilalang slogan si P-BBM, imbes na Bagong Lipunan, isinigaw niya ang Bagong Pilipinas.
Binuksan ang SONA sa saliw ng himig ng awiting Pilipinas Kong Mahal.
'Yun nga lang, hindi niya binigyan-diin ang “Ideolohiya” ng kanyang administrasyon.








Comments