P-BBM, bibisita sa Indonesia at Singapore next month
ni Lolet Abania | August 19, 2022

Nakatakdang bumisita si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Indonesia at Singapore sa susunod na buwan, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ngayong Biyernes.
“Iko-confirm ko rin lang po ‘yung dalawang state visit, to Indonesia at saka to Singapore.
Itong September 4-6 sa Indonesia at 6-7 sa Singapore. Kung may katanungan dito, actually wala pa tayong masyadong detalye pero kino-confirm namin na tuloy po ito,” pahayag ni Cruz-Angeles.
Ang Indonesia at Singapore ang kauna-unahang official state visits ni Pangulong Marcos bilang presidente ng Pilipinas.
Kaugnay nito, sinabi ni Cruz-Angeles na inaayos na ang pagbisita naman ng Punong Ehekutibo sa United States. Inaasahan ang Pangulo na dumalo sa at magsalita sa United Nations General Assembly.
“As for the United States, for the visit doon sa US, it’s still being worked out although nagsabi ang Pangulo that he will be going. We will release the details on this as they come in,” saad ni Cruz-Angeles.





Comments