ni Angela Fernando - Trainee @News | December 11, 2023
Bumalik na sa trabaho nitong Lunes si Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. matapos na gumaling sa COVID-19.
Bibisita ang Presidente sa Iloilo mamayang hapon upang ipamahagi ang mga kagamitang pang-agrikultura, gayundin upang magbigay ng sertipiko ng pagmamay-ari ng lupa sa mga benepisyaryo.
Dadalo rin si Marcos sa grand opening ceremony ng 18th National Scout Jamboree sa City of Passi.
Kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) na natapos na ang COVID-19 isolation ng Pangulo nu'ng Linggo.
Comments