top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 20, 2023




Umakyat na sa 21 porsyento ang seven-day positivity rate sa Metro Manila nitong weekend, kaya't inabisuhan ng pamahalaan ang publiko na magsuot ng face mask sa mga social gathering.


Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, naitala ang weekly positivity rate na 21 porsyento noong Linggo sa kabisayaan na mas mataas kaysa sa 13.4 porsyento noong Disyembre 10.


“This is only the fifth time since 2020 that the positivity rate exceeded 20 percent,” saad niya sa kanyang post sa X.


Lumagpas na ang kasalukuyang positivity rate ng COVID-19 sa benchmark na 5% o mas mababa, na nangangahulugang hindi sapat ang pagsugpo sa lugar.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 13, 2023




Umabot na sa higit 200 ang araw-araw na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, halos limang buwan matapos ang pagtanggal ng public health emergency noong Hulyo.


Batay sa pinakabagong ulat ng kaso ng COVID-19 mula sa Department of Health (DOH) na inilabas noong Martes, nakapagtala ang bansa ng average na 260 kaso kada araw sa linggo mula Disyembre 5 hanggang 11.


Nagpapakita ang bilang na ito ng 36-porsyentong pagtaas mula sa nakaraang linggo na may average na 191 kaso kada araw.


Noong Hulyo 17 hanggang 23 pa ang huling pagkakataon na nakakita ang bansa ng higit sa 200 kaso kada araw.


Simula noon, umiikot ang national tally sa pagitan ng 100 at 200 kaso kada araw.

 
 
  • BULGAR
  • Dec 12, 2023

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 12, 2023




Naitala ngayong Martes ang 183 na bagong kaso ng COVID-19, na nagdadala sa kabuuang bilang ng kaso sa Pilipinas mula nang magsimula ang pandemya sa 4,127,769.


Ipinakita rin ng COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH) na bumaba ang aktibong kaso ng 63, na nagdadala sa kabuuang bilang na sa 3,813, para sa ika-19 sunod-sunod na araw ng pagsusuri na may higit sa 3,000 aktibong kaso.


Tumaas ang bilang ng mga gumaling sa 246 na kaso patungo sa 4,057,177, habang nananatiling 66,779 ang bilang ng namatay.


Nasa 15.5% ang bed occupancy rate para sa COVID-19 kung saan may 2,895 na mga kama ang kasalukuyang may pasyente—kabilang ang 1,881 sa ICU—at mayroong 15,722 na bakante.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page