ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 13, 2024
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang 10-year plan para sa pagpapabuti ng maritime industry sa bansa, ayon sa Palasyo ngayong Martes.
Sa Executive Order (EO) No. 55, sinabi ni Marcos na dapat isakatuparan ang Maritime Industry Development Plan 2028 (MIDP) upang palakihin ang buong potensyal ng bansa.
“To fully realize our potential as a maritime nation, the country requires a clearly defined and coordinated roadmap that shall accelerate the integrated development of the Philippine Maritime Industry,” saad ni Marcos sa EO.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang EO noong Pebrero 8, na inilabas sa media ngayong Martes.
Inoobliga ng bagong EO ang MARINA board na ipatupad ang MIDP, na kung saan kabilang ang modernisasyon at pagpapalawak ng domestic shipping, pati na rin ang pagpapalakas sa overseas shipping industry.
Kasama rin sa plano ang pagpapabuti ng ship-building at repair industry, training ng maritime workers, at pagtataguyod ng eco-friendly maritime practices.
Inutusan din ni Marcos ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno na baguhin ang kanilang mga patakaran ayon sa bagong EO.
Comments