40 eksperto: WHO dapat kilalanin ang ebidensiya sa mga alternatibo sa paninigarilyo
- BULGAR
- 12 hours ago
- 2 min read
ni Chit Luna @News | November 27, 2025

Photo File: World Health Organization (WHO)
Mahigit 40 na eksperto ang nanawagan sa World Health Organization (WHO) na baguhin ang anila’y luma nang pamamaraan nito sa tobacco control at kilalanin ang harm reduction bilang bahagi ng pandaigdigang polisiya.
Inilabas ang kanilang pahayag sa pamamagitan ng “Expert Wall” ng The Counterfactual. Ito’y para sa mga delegado sa Geneva para sa kakatapos lang na COP11 ng Framework Convention on Tobacco Control (FCTC).
Ayon sa mga eksperto, hindi kinikilala ng WHO ang lumalawak na ebidensiya tungkol sa mas mababang panganib ng mga bagong nicotine technologies, at nagreresulta ito sa maling impormasyon sa publiko at mas mabagal na pagbaba ng smoking rates.
"The goal of reducing the toll of death and disease caused by tobacco requires policies that accurately reflect the epidemiological evidence on the harms of different types of tobacco and nicotine products," ayon kay Dr. Robert West ng University College London.
Binigyang-diin naman ni Dr. David Nutt ng Imperial College London ang laki ng problema.
"Smoking causes a massive burden of death and disease worldwide, killing about 8 million people annually," aniya. "We now have vaping and other smoke-free alternatives to cigarettes that can dramatically cut the risks for people who cannot or do not want to quit using nicotine."
Ayon kay Dr. Ruth Bonita, dating opisyal ng WHO, may malinaw na halimbawa mula sa ibang bansa. "Independent evidence, including real-world evidence from New Zealand, shows that regulated, reduced-harm smoke-free nicotine products can accelerate declines in smoking and prevent disease," aniya.
Idinagdag ni Dr. Ann McNeill na dapat makipag-ugnayan ang WHO sa mas malawak na scientific community at hindi lamang sa mga “echo an ideological line.”
Nagpahayag din ng pangamba si Dr. Andrzej Fal na nalilihis ang mensahe ng WHO mula sa tunay na layunin. "As a pragmatist and practitioner, I believe we should prioritize reducing disease and death, and that means we should focus on reducing smoking in any way we can," aniya.
Sinabi ni Dr. Neal Benowitz na dapat suportahan ng polisiya ang paggamit ng non-combusted products sa pagtigil sa paninigarilyo at na ang FCTC ay "should be to promote the elimination of cigarettes and other smoking products" imbes na higpitan ang lahat ng uri ng nicotine.
Ayon naman kay Dr. Kenneth Warner, malinaw ang ebidensiya tungkol sa vaping at ang pagbalewala rito ay magdudulot ng mas maraming pagkamatay, lalo na’t ang pangamba tungkol sa youth vaping ay "grossly exaggerated."
Tinukoy ni Dr. K. Michael Cummings ang karanasan ng Sweden, New Zealand, US at England bilang patunay na nakakatulong ang access sa lower-risk alternatives, at tinawag na patuloy na “blind spot” ng WHO ang hindi pagkilala rito.




