top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P-BBM, absent sa lugar ng mga biktima ng lindol

BULGAR
Jul 29, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 29, 2022


RAKET NG MGA GAMBLING LORDS, HINDI TUMITIGIL KAHIT LUMILINDOL—Hindi nagpatinag ang mga gambling lords sa lindol kasi habang niyayanig ng lindol ang iba’t ibang lugar sa Luzon ay tuloy pa rin ang operasyon ng raket na color games at drop balls nina “Aling Tessie” sa Batangas; “Baby Panganiban” sa Laguna; “Perya ng Bayan-con jueteng” nina “John Yap”, “Reden” at “Chito” sa Cavite at Rizal; at sakla at lotteng nina “Lina Robles” at “Ponga” sa Malabon City; at bookies nina “Boy Abang” at “Lorna” sa Tondo, Maynila.


Ganyan kasalbahe ang mga gambling lords na ‘to at nakapagtataka lang kung bakit “nganga” sa kanilang mga raket sina Batangas PD, Col. Glicerio Cansilao, Laguna PD, Col. Cecilio Ison; Cavite PD, Col. Arnold Abad; Rizal PD, Col. Dominic Baccay; Malabon City Police Chief, Col. Albert Barot; Manila Police Station 1 chief, Col. Cenon Vargas at Manila Police Station 2 chief, Col. Harry Lorenzo.


◘◘◘


SEC. TULFO NG DSWD, ‘DI TULAD NG MGA DATING DSWD SEC. NA PAUTOS-UTOS LANG—Personal na nagtungo si DSWD Sec. Erwin Tulfo sa mga lugar na sinalanta ng lindol sa Ilocos region at Cordillera region upang magbigay ng relief goods at iba pang tulong sa earthquake victims.


‘Yan ang DSWD sec., personal na pinangangasiwaan ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad, hindi tulad ng mga nagdaang DSWD sec. na pautus-utos lang.


◘◘◘


FORMER VP LENI, IMBES NA PASALAMATAN SA PAGTULONG SA MGA NILINDOL, BINA-BASH PA—Nanawagan ng dasal ni former Vice-Pres. Leni Robredo para sa mga biktima ng lindol at pagkaraan ay nakipag-ugnayan na ang dating bise-presidente sa mga volunteers ng pinamumunuan niyang “Angat-Buhay” NGO (Non-Governmental Organization) para magdala ng tulong sa mga earthquake victims.


Mainam ang ginawa ni former VP Leni dahil kahit wala na siya sa gobyerno ay tumutulong pa rin siya sa kapwa, pero ang mga bashers sa social media, imbes na magpasalamat sa dating presidente ay pinagtawanan at binash pa.


◘◘◘


KUNG SINUMAN NAGPAYO KAY P-BBM NA HUWAG MAGTUNGO SA MGA LUGAR NA NILINDOL, SABLAY ‘YAN—Kung sinuman ang nagpayo kay Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na huwag pumunta sa mga lugar na nilindol ay mali ang payo na ‘yan.


Noong una kasi ay nabalita na magtutungo si P-BBM sa mga lugar na sinalanta ng lindol, pero makalipas ang isang oras ay nagpalabas ng statement ang OP (Office of the President) na hindi na magtutungo ang pangulo upang hindi raw makaabala sa relief operations na ginagawa ng mga gobernador at mayor sa mga lugar na labis naapektuhan ng lindol.


Bilang pangulo kasi ay siya na ang itinuturing na ama ng mamamayan, at bilang “ama” ay siya ang dapat unang rumeresponde sa kanyang mga “anak” o mamamayan kapag nakararanas ang mga ito ng trahedya upang tingnan kung nasa mabuti pa silang kalagayan o hindi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page