Overloaded truck, bantay-sarado sa LTO at PNP
- BULGAR

- Sep 17, 2023
- 1 min read
ni BRT @News | September 17, 2023

Tinututukan ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang mga overloaded truck na may ruta sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, unang lumapit sa kanila ang isang senador at nagreklamo sa mga overloaded truck, lalo na sa mga probinsya.
Kaugnay nito, hinihingi ng LTO ang tulong ng Highway Patrol Group at Department of Public Works and Highways upang ma-monitor ang mga dumaraang overloaded truck sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kabilang sa mga plano ang higpitan ang pagbabantay sa mga lansangan, at magsagawa ng inspection sa mga strategic areas.
Ang mga overloaded na sasakyan ay kadalasang nasasangkot sa mga aksidente sa kalsada.





Comments