Overbilling” ng mga ospital, dapat imbestigahan
ni Ka Ambo - @Bistado | February 1, 2022
PEBRERO na ngayon.
Kung Hei Fat Choy!
◘◘◘
NABOKYA na ang Delta variant ng COVID-19.
Sinapawan na siya ng Omicron variant.
Mabilis na nakahahawa, pero mabilis ding naglalaho.
Meaning, anumang araw ay magigising tayo na wala nang COVID-19!
◘◘◘
NAGKAKAROON lang ng datos ng COVID-19 dahil gahaman pa rin ang mga ospital na pinalolobong bills na nakokobra sa mayayamang pasyente at mismo mula sa gobyerno.
Walang imbestigasyong ginagawa sa “overbilling” ng mga ospital!
◘◘◘
WALA ring laban ang ordinaryong tao kung totoo ang “positive result” lalo pa’t hindi naman nababantayan ito ng mga awtoridad.
Maraming reklamo ang tungkol d’yan,pero tameme lang ang kinauukulan!
◘◘◘
NAGBABALA ang China na delikado ang girian sa Europe.
Madadamay kasi ang buong daigdig!
◘◘◘
NAHAHARAP si Chinese strongman Xi Jinping sa pagsubok.
Ito ay mararanasan niya sa Winter Olympics na iboboykot ng malalaking bansa!
◘◘◘
MARAMI ring dadalong atleta na gagamiting propaganda laban sa China dahil sa pambubusabos sa minorya ng mga Muslim.
Maaari ring gamitin ang Winter Olympics upang magprotesta ang Tibet at iba pang teritoryo na inaabuso ng Chinese government!
◘◘◘
MASASABAY ang propaganda sa gumuguhong ekonomiya ng China.
May ilang local government dito na “bankrupt”’ o walang sapat na pondo upang mapatakbo nang maayos ang sariling ahensiya!
◘◘◘
LUGMOK ang real property industry sa China dahil nagsipagbaklas na ang mga dayuhang investors.
Lulutang ang kahinaan ng China sa panahon ng Winter Olympics.
Pero, kapag nalusutan ni Xi Jinping ang krisis na ito, tiyak na hahangaan siya ng malalaking bansa.
At siyempre, mas katatakutan ng US!
◘◘◘
PINALUWAG nang todo ang lockdown.
Mapupuno na naman ang mga mall.
Huwag sanang rumesbak ang COVID-19!
◘◘◘
INAASAHANG makababawi ang ekonomiya ng Pilipinas.
‘Yan ay kung mareresolba ang water crisis sa tag-araw!





Comments