top of page

Outpost sa maraming lugar para iwas-krimen

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 23, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Enero 23, 2024


Sinimulan na sa isang lungsod sa Metro Manila ang paglalagay ng mga outpost sa mga crime-prone areas. 


Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) ito ay upang maprotektahan ang publiko mula sa mga kriminal. Kung saan paiigtingin ang police visibility at crime prevention measures sa lungsod.


Maglalagay muna ng 20 police outpost sa mga lugar kung saan madalas mangyari ang mga krimen at areas of convergence.


Bawat outpost, pamamahalaan ng dalawa hanggang apat na pulis.


Mayroon ding Integrated Command and Control Center (IC3), isang digital system na ginagamit upang masubaybayan ang sitwasyon ng ilang lugar sa nasabing lungsod.


Sinisikap ding maipatupad ang three-minute response policy sa pagtugon sa mga krimen at iba pang emergency.


Malaking tulong ang mga outpost lalo na sa mga lugar na lantad sa krimen. Kapag may mga pulis na nakikita sa paligid, kahit paano ay mag-aalangan ang mga kriminal na gumawa ng kalokohan.


Kaya sa mga pulis na sinasabing hayahay lang sa opisina o patambay-tambay sa mga malalamig na lugar, kailangan nang gumalaw-galaw at magbigay-serbisyo sa publiko.


Para sa mga ayaw mainitan o mapasabak sa mga kriminal, wala kayong ‘K’ na magsuot ng uniporme at tawaging alagad ng batas.

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page