Orange Bell at Sky Story, patok
- BULGAR
- May 11, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 11, 2023
Sasalang sina Orange Bell at Sky Story sa 2023 PHILRACOM 3-Year-Old Locally Bred Stakes race na pakakawalan sa darating na Sabado sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Makakatagisan ng bilis nina Orange Bell at Sky Story ang 10 pang tigasing kabayo na naghayag ng pagsali sa distansiyang 1,600 meter race.
May garantisadong premyo na P1-M na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line, ang ibang kasali ay ang Cash On Hand, Domsat Seven, Easy Way, Glamour Girle, I Under Oath, Keep The Trick, Light Bearer, Melania, Mill Run, Prime Billing at Secretary.
Sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA), Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez ang Orange Bell habang si Conrad Henson ang rerenda sa Sky Story.
Mag-uuwi ang mananalong kabayo ng P600,000 premyo, mapupunta ang P200,000 sa pangalawa habang P100,000 ang kukubrahin ng tersero.
Ibubulsa naman ng fourth hanggang fifth placers ang tig-P50,000, P30,000, P20,000 ayon sa pagkakahilera sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. Tatanggap din ang breeder ng winning horse ng P50,000 habang tig-P30,000 at P20,000 ang second at third.
Ayon sa mga komento ng mga karerista posibleng magbigay din ng magandang laban si Prime Billing na gagabayan din ng isa pang dating PSA-JoY awardee na si Patricio Dilema.
Kaya naman tiyak na magandang laban ang masisilayan ng mga karerista.





Comments