top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Oplan Tokhang, oks lang ibalik basta drug lords at narcopoliticians ang target

  • BULGAR
  • Dec 21, 2022
  • 1 min read

@Editorial | December 21, 2022


Masinsinan umanong pag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang muling pagbabalik ng Oplan Tokhang sa bansa.


Ito ay kasunod ng suhestiyon ng isang mambabatas na layuning mas mapaigting ang drug war dahil sa umano’y muling paglaganap ng ilegal na droga.


Kabilang ang usaping ito sa mga posibleng talakayin ng pamunuan ng pambansang pulisya sa susunod ng pagpupulong.


Kailangang pag-aralang maigi ang kabuuang sistema ng Oplan Tokhang.


Aminado ang kasalukuyang pamunuan ng PNP na talagang naging generally effective ang pagpapatupad ng Oplan Tokhang sa nakalipas na mga taon. Gayunman, nilinaw din nito na magkakaroon na ng safety measures kung sakaling muling ipatupad ito ng pulisya upang maiwasan na magkaroon ng lapses at pag-aabuso ng ilang police personnel.


Nasaksihan naman natin kung paano naipatupad ng Oplan Tokhang. May mga bahay na kinakatok para pasukuin ang miyembro ng pamilya na sangkot sa ilegal na droga.


Ang problema, nagkaroon ng mga kontrobersya at krimen sa gitna ng pagpapatupad nito. May mga pulis na nasangkot sa pag-abuso, pagpatay at pagtatanim ng ebidensya sa mga sinasabing biktima ng drug war. At ito ang bagay na kinatatakutan sa balik-Oplan Tokhang.


Dapat magtiwala rin ang taumbayan sa nasabing kampanya para maging mas epektib ito.


Totoo naman na maraming napasuko, napagbago ang buhay at nakapagsimula sa tamang landas. Sana, sakali ibalik ito, mas malawak at mas marami ang matulungan lalo na ngayon na talagang talamak na naman ang droga.


Isa pa sa hamon sa PNP sakaling ibalik ang Oplan Tokhang, dapat siguruhing mas maraming bigtime pushers, drug lords at narcopoliticians ang masasampolan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page