Opisyal ng DOJ na nag-absuwelto kina Elago at Colmenares, i-red-tag din kaya ni Gen. Parlade?!
- BULGAR

- Oct 31, 2020
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 31, 2020
SA PANAHON NG KRISIS, ANG SAYA NI HARRY ROQUE—Nag-post sa social media si Presidential spokesman Harry Roque ng kanyang larawan habang siya ay nasa baybaying dagat at nilagyan niya ito ng caption na, “Ang saya dito sa Bohol.”
Mantakin ninyo, sa panahon ng krisis, sa dami ng nawalan ng trabaho at naghihirap dulot ng pandemyang COVID-19 ay nagawa ni Roque na ipamukha sa publiko na ang saya niya sa Bohol, pwe!
◘◘◘
HUBARAN NG MASKARA ANG MGA “BUWAYANG” CONG.—Matapos sabihin ni Usec. Emmeline Aglipay-Villar ng Department of Justice na pati ang mga korup na kongresista ay pinaiimbestigahan ni P-Duterte, ang dapat gawin ngayon ni PACC (Presidential Anti-Corruption Commission) Comm. Gredo Belgica ay pangalanan ang mga sinasabi niyang tiwaling mambabatas.
Dapat mahubaran na ng maskara ang mga “buwayang” cong. para ibasura sila ng mga botante sa 2022 elections, period!
◘◘◘
I-RED-TAGGED DIN KAYA NI GEN. PARLADE ANG MGA TAGA-DOJ NA NAG-ABSUWELTO KINA ELAGO AT COLMENARES?—Inabsuwelto ng DOJ sina Kabataan partylist Rep. Sarah Elago at ex-Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares sa kasong kidnapping na isinampa ni Relissa Lucena dahil hindi naman daw kinidnap ang anak nito kasi umuuwi ito sa kanilang bahay kahit sumapi ito sa Anakbayan.
I-red-tagged din kaya ni Gen. Antonio Parlade, commander ng SolCom (Southern Luzon Command) at spokesman ng NTF-ELCAC (National Task Force-End Local Communist Armed Conflict) ang mga taga-DOJ na nag-absuwelto kina Elago at Colmenares? Abangan!





Comments