top of page

Opisyal at empleyado ng gobyerno, bawal tumanggap ng regalo

  • BULGAR
  • Nov 21, 2022
  • 1 min read

@Editorial | November 21, 2022


Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng government official at employee kaugnay sa “no gift policy,” lalo na ngayong holiday season.


Tatlong batas ang nagbabawal sa pagtanggap at paghingi sa sinumang manggagawa ng gobyerno ng mga regalo, serbisyo at pabor sa publiko.


Ito'y sa kadahilanang kailangang maglagay ng mas maraming ngipin sa mga umiiral na batas at regulasyon upang mapuksa ang anumang anyo ng katiwalian sa serbisyo-publiko, na ang mga miyembro nito'y hindi lamang dapat maging tapat ngunit higit sa hinala at kapintasan.


Bukod sa pagtanggap ng mga regalo, ipinagbabawal din ang solicitation sa anumang anyo.


Isa sa mga diwa ng Kapaskuhan ang pagbibigay-regalo o pamamahagi ng biyaya, pero madalas ginagamit din itong dahilan ng mga abusado.


Tipong hindi pa nga Pasko, iba na makahirit ang ito, ginagamit ang kapangyarihan at katungkulan makapanlamang lang.


Sa polisiya ng CSC, inaasahan nating mayroon malinis na hangarin ang mga opisyal at empleyado sa pagbibigay-serbisyo sa mamamayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page